Sunday, May 24, 2009

Karanasan sa Piling ng mga Agta sa Proseso ng Pag-oorganisa



Sabi nga ng iba ang karanasan at pagkatuto ay hindi natatapos sa paaralan, habang buhay tayo matututo, parang pag-asa lang yan eh... di ba nga habang buhay may pag-asa tayo sa mundo dahil marami pang mangyayari sa atin, hihinto lamang naman nyan pag-huminto na din ang paghinag natin at nilisan na natin ang mundong ibabaw.
Nabanggit ko na din ang pag-asa, isang kabanata ng aking buhay ang aking naalal, isinilang ako ng wala pang muang kung ano ang mundong aking dadatnan, ngunit habang lumalaki at nagkakamuang namulat ako sa kahirapan ng buhay at kung anong mundo ang meron sa ating lipunan.
Bilang isang bata patuloy akong nangrap bilang isang batang nagngangalang Anna Carmilie M. Lucas, tagal ko ding pinagisipan kahirapan din ang ibinigay sa akin sa pagsusulat ng aking pangalan sa haba nito pero sabi nga habang buhay may pag-asa, nagsumikap magsulat hangang sa matuto at idagdag pa ang pagpupursigeng matutong magbasa... naalala ko nga dinadaya ko pa ang guro ko noon na kunwari mabilis akong magbasa pero hindi naman.. hay sarap maging bata punong puno ng pangarap, pero hindi maiiwasan ang paglaki, tulad ng nangyayaring pagbabago sa ating lipunang ginagalawan. At ang mga pangarap na ito ang nagtulak sa akin upang kihain ang kursong aking kinagisnan dahil alam ko sa aking sarili may magagawa ako para sa kapwa ko at maiiaambag sa lipunan ko para sa maraming tao sa kursong ito.
Tumuntong ako sa kolehiyo, nabigo ako sa aking layunin bilang isang taong may pag-asa,dahil na rin sa hirap ng ating nararanasan, kaya minsan hindi ko masisi ang mga taong nagkakaroon nang pananaw sumuko dahil may kanya kanyang kalbaryo ang mga tao sa mundo tulad ni Jesus yun nga lang hi ndi siya sumuko para mailigtas ang sanlibutan. Pero naniniwala pa rin akong may kakayahan ang bawat taong bumangon sa pagkalugmak na kanilang kinasasadlakan at makakagawa ng galaw para sa ika bubuti nila. Sa pagtungtong ko sa ikaapat na antas at sa huling taon ko sa kurso lumalim ang pagtingin ko sa salitang pag-asa hindi na siya nakatuon sa aking pansariling pananaw bilang isang bata. Ang pagtingin at pagbibigay pag-asa sa mga taong kinakailangan ng kalinga at pagmamahal ng kanilang kapwa at sarili ang siya ng pangarap ko para sa mga taong maari kong matulungan.
Ang salitang pagtulong, hindi ko nga masasabing tinutulungan ko sila, dahil sila mismo ang tutulong sa kanilang mga sarili, dyan ko napapalalim ang aking kamuangan sa mga taong nakakaranas na ng mating oppression sa ating lipunan mga sektor na dapat kumilos at magkaisa para sa ikabubuti nila.... napakadaling sabihin di ba? Ngunit ng maranasan ko na ang pag-oorganisa... salamat at naranasan ko sya dahil ipinakita nito at ipinasalat ang tunay na proseso upang imulat ang mga tao.
Nagsisimula pa lamang ang aming mga karanasan sa pag-oorganisa ng isang komunidad, ay marami na rin kaming nakitang mga organisador na gumagalaw sa loob ng kommunidad, batikan man o baguhan. Ngunit hind makokompleto ang lahat kung hindi namin isasapraktika ang mga kaalaman namin ukol dito.
Kaya naman ng ako’y makarinig at makabalita sa pagkakaroon ng pagsasapraktika sa mas opresadong nhanay ng ating lipunan, ipinaglaban ko at tinayuan upang upang mapunata ako sa hanay ng mga katutubo upang mag-organisa. Ang pag-oorganisa ng mga katutubo ay siyang tunay na bago sa departamento na siya ring nagtulak sa akin upang kunin ang inalok saking paglingkuran ang hanay ng mga katutubo kahit sa maiksing panahon. Kaya nga pinagtanggol ko itong
lugar na to upang maisagawa ko ang pagsasapraktika ng pag-oorganisa kahit pa alam kong maykapalit ito.
Isa sa programa ng Departamento ng Gawaing Panlipunan ang pagsasapraktika ng mga kaalaman ukol sa pag-oorganisa ng isang kommunidad at bilang estudyante kami ay nasa ilalim ng programang ito na nasapangangasiwa ng aming mga bisor, upang mabantayan kung nasa tama ng aming isinasagawa sa komunidad.
Sa koordinasyon ng Departamento ng Gawaing Panlipunan sa Tribal Center for Development nagsimula ang mga karanasang hinding hindi ko malilimutan, dahil dito ay maraming bagong kaalaman akong natutunan. Pamayanan ng Tamala, Barangay San Marcelino Heneral Nakar Quezon ang isa sa mga pamayanan ng mga katutubong Agta sa kabundukan ng Sierra Madre kung saan umiikot ang aming karanasan.
Hindi pa man pumapasok ng komunidad ang karanasan ko bilang estudyante sa Tribal Center for Developement ay maituturing na kayamanan, dahil sa opisinang ito ay may mga taong siya ring naglilinang sa aking kaalaman sa aking pamamalagi dito. Ang pakikipagkapwa tao ay isa sa aking naging sandata upang maiwasan ang pagburyo, dahil na rin sa layo ng lugar ng aming ginagalawan.
Sa aking pakikipagkapwa tao natuto akong sumalat ng personalidad at pag-uugali nito kung saan nagagamit ko ito upang madali akong makagalaw at masakyan ang mga tao sa paligid ko. Sa pag-oorganisa importante ito sapagkat kaylangan natin laging maging sensitibo sa pag-uugali at kinikilos ng tao upang makapa natin kung handa ba ang mga taong gumalaw at magpursige na magkaroon ng aksyon.

Sa pamayanan ang pakikipagkapwa tao ay hindi lamang nakasentro sa pakikisangkot at pakikipaghuntahan sa mga tao sa komunidad kasama din dito ang ating kagustuhang mapakilos sila para sa kanilang mga karapatan bilang tao at bilang isang katutubong Agta sa ating lipunan.
Ngunit sa takbo ng pag-oorganisa kaylangan talagang sumangkot ka sa mga gawaing hindi mo naman nakasanayan dahil na rin sa ibang kultura ako lumaki at nagkaisip. Ang pagsasaka, pangingisda, pangingilaw at pangongopra ay tunay na isang magandang karanasan para sa amin at parte ito ng aming pakikiisa. Para sa akin ang integrasyon sa komunidad ay maituturing ding pagpapalago sa mga personalidad ng mga katutubo dahil para sa akin ang kanilang pagiging tahimik ay sanhi din ng kanilang mapaghusgang kapaligiran. Kaya naman para sa akin ang pakikisangkot ay nagpapataas din ng kanilang pagpapahalaga sa kanilang sarili bilang tao at mahalag ito para sa akin dahil dito ko nakita na unti unti nilang pinupursigeng matuto.
Sa pag-oorganisa ng mga katutubo masasabi kong kakaiba talaga sapagkat, ang dami daming dapat tignan upang masalat mo ang kalagayan ng tao tulad na lamang ng kanilang kultura at istraktura at bilang isang organisador dapat alam natin kung paano ito papasukan ng hindi ito nababangga o nagiging sagabl para sa organising work natin.
Sa pagkalap naman ng mga imporamasyon tungkol sa kommunidad masasabi kong hi ndi kami nahirapan kasi ang sikreto dyan ay yung tiwala ng tao dapat sa integrasyon palang ay makuha mo na ito dahil kung wala ito wala ang isang organisador t wala ang organising sa komunidad, lalo na kung walang isyu o

problemang makita sa pamayanan hindi talaga papaok ang organizing. Pero para sa kin ang pag-kalap ng imporamasyon ay halos kaparehas lamang ng integrasyon. Dahil sa bawat oras natin sa kommunidad may bago at bago tayong malalaman kahit sa simpleng huntahan at pakikisangkot sa komunidad.
Sa mga pagpupulong naman na aming isinagawa upang mapatunayan kung totoo nga ba yung mga impormasyon na aming nakalap at makita ang tunay na isyu ng pamayanan sa pamamagitan ng mga estratehiya. Sa mga pagpupulong na ito nakikita rin natin yung mga puna ng tao sa lugar dahil na rin nagbibigay sila ng mga feedback ayon sa kanilang nakikita sa aming kinikilos.
Napaakaganda ng pakiramdam pagkatapos ng pagpupulong kung tutuusin dahil na rin sa kakaibang balitaktakan ng mga tao sa pamayanan at doon makikita talaga aksyon, ang na desisyon na may kaakibat na malaking responsibilidad. Ang pag-oorganisa nng mga kaatutubo ay sadyang kakaiba talaga. Ang buong proseso ay nakasalalay sa kultura at naakassanaayan nila o ng mga tao sa pamayanan sapagkat mahirap ilayo ang kanilang nakasanayan sa prosesong aming nakagisnan maari kasi itong magresulta sa pagkawala ng kanilang kultura. Kaya kung titignan ang proseso napaaka daming pinagdadaanan dahil na rin kaylangan pa itong dumaan sa konseho ng katutubo.
Tunay ngang kakaiba ang proseso at karanasang aming pinagdaanaan na tunaay na ipagmamalaki sa ibang tao at makakapulot ng tunay na aral dahil na rin sa mga karanasang hindi pa nila nararanasan na aming isiniwalat upang makapag dulot ng aral.