BATA... BATA... NASAN KA NA?
Parang paraiso ang mundo ang pananaw ng bawat tao sa mga batang nangangarap at naglalaro...
lagi nating iniisip na sana bata na lang ako, walang iniisip kundi kumain matulog at maglaro...
pero nakita ba natin ang essensya ng pagiging bata mo noon.... kung ano ano ang iniisip mo para mabuhay sa mundo...
sana matanda na lang ako noon,,, yan ang laging laman ng aking isipan noong bata pa ako...
sana matanda ako na kaya ko ng magtrabaho para makatulong ako sa mga magulang ko....
sana matanda na lang ako para hindi ako nakakaanas ng pang-aabuso...
sana matanda na lang ako para napagtatanggol ko ang sarili ko
sana matanda na lang ako para alam ko ang tama sa mali na lagi nilang pinagpipilitang hindi ko raw alam
sana matanda ako para kaya kong maipahayag ang sarili...... sana sana sana......
nakakatuwang isipin di ba.... ang mga matatanda gustong maging bata at ang mga bata guston maging matanda.....
hay kung alam lang nila.... nakakalungkot isipin na maraming bata ang ganito ng mag-isip... alam nyo kung bakit?
dahil marami sa kanila ang nakakaranas ng iba't ibang pang-aabuso at natatapakan ang kanilang mga karapatan....
lai kasi nating iniisip ang bata ay bata hindi nya pa kayang gawin ang nagagawa ng iba...
hindi ba natin na isip na sila'y tao na na kayang mag-isip para sa ikabubuti ng iba at ganun din sa ikabubuti ng kanilang pamilya....
ang bata ang laging nakakawawa sila ang tampulan ng inis at galit ng mga magulang walang ginawa kundi malibang at mga kalalakihan walang mapagparausan... hindi ba masakit yun para sa kanila....
katawan lamang ang ating pinagkaiba sa mga bata at matatanda, dahil pag-iisip nila'y tulad din nating tao na may pag-uusig at pangamba para sa ibang tao at sa sarili nila...
buti pa nga ang bata ay may paki elam sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran di tulad ng iba dyan nagagawan pang manlinlang.
sa murang isipan pamilya at sarili ang syang laman ng isipan yun nga lang batay madaling malinlang ng mga taong mapagsamantala sa lipunan

No comments:
Post a Comment